Term Sharing sa House Speakership, tuloy!

33

Iginiit ni House Speaker Alan Peter Cayetano na tuloy ang Term Sharing nila Marindque Rep. Lord Alan Velasco.

Ayon kay Cayetano, wala namang napag-usapang mananatili siya sa pwesto hanggang sa matapos ang kanyang termino.


Bahala na aniya silang mag-usap ni Velasco kung may pagbabago man sa kasunduan.

Tiwala naman si Velasco na tutupad sa kasunduan si Cayetano.

Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya mangingialam sa isyu ng Term Sharing.

Sa kasunduan, mananatiling House Speaker si Cayetano sa loob ng 15 buwan habang si Velasco ang uupo sa nalalabing 21 buwan.

Facebook Comments

From Advertisers