Term sheets ukol sa pagbili ng COVID-19 vaccine, dapat isapubliko

67

Pinapasapubliko ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang term sheets o inisyal na kasunduan para sa pagbili ng COVID-19 vaccine sa Sinovac at iba pang vaccine manufacturers.

Paliwanag ni Drilon, katungkulan ni Vaccine Czar Carlito Galvez Jr. na ipaalam sa publiko ang term sheet na naglalaman ng dami at presyo ng bakunang bibilhin ng gobyerno kasama ang petsa ng delivery.


Ayon kay Drilon, may right to information ang publiko na nakapaloob sa Konstitusyon at alinsunod sa mga naging pasya ng Korte Suprema.

Diin ni Drilon, public funds ang gagamitin sa pagbili ng bakuna kaya dapat malaman ng taumbayan ang katotohanan at lahat ng detalye ukol dito.

Ikinatwiran pa ni Drilon na hindi magtitiwala ang mamamayan sa pagpapabakuna kung hindi magiging transparent ang mga kinauukulang opisyal ng pamahalaan.

Facebook Comments