Teroristang komunista napatay ng militar sa operasyon sa Zamboanga Del Sur

Isang teroristang komunista ang napatay ng mga sundalo sa engkwentro sa Barangay Piwan, Midsalip, Zamboanga Del Sur.

Ito ay matapos ang 25-minutong bakbakan sa pagitan ng pinagsanib na tropa ng 97th, 42nd, and 53rd Infantry Battalions at malaking grupo ng New People’s Army (NPA).

Sa ulat ng Western Mindanao Command, narekober ng tropa sa pinangyarihan ng insidente ang isang M14 assault rifle, 4 na anti-personnel mine, isang hand grenade, isang rifle grenade, mga magazine at mga bala.


Sa ngayon, tinutugis na ng militar ang grupo ng NPA na tumakas pagkatapos ng labanan.

Hinikayat naman ni 1st Infantry Division Commander Major General Generoso Ponio, ang mga nalalabing NPA na sumuko na at magbalik loob nalang sa pamahalaan.

Facebook Comments