Terrafirma Dyip, muling mangunguna sa pagpili sa PBA Rookie Draft

40

Muling mangunguna ang Terrafirma Dyip sa pagpili sa January 2021 PBA Rookie Draft.

Ito’y matapos na maging kulelat sa katatapos lang na elimination round ng PBA Philippine Cup hawak ang 1-10 win/loss record.


Ito rin ang ikatlong pagkakataon na pipili ng top pick ang Dyip kung saan noong 2018, nakuha nila si CJ Perez habang pinili din nila si Roosevelt Adams sa 2019 kasabay ni Isaac Go sa special draft ng mga players na nasa pool ng Gilas Pilipinas.

Ikalawa naman pipili ng rookie ang team ng Northport Batang pier na pangalawa sa huli sa elimination round ng PBA Philippine Cup.

Facebook Comments