Terrence Romeo, umaasang makukuha nila ang kampeonato sa terrific 12

Umaasa si San Miguel Beermen shooting guard Terrence Romeo na makukuha nila ang kampeonato sa East Asia Super Terrific 12 na gaganapin sa Macau.

Ayon kay Romeo – hindi lang basta partisipasyon at experience ang target ng Beermen sa kompetisyon.

Makakaharap ng Beermen ang 11 iba pang koponan kasama ang Blackwater Elite at TNT KaTropa.


Ang torneyong lalahukan ng SMB ay gaganapin sa September 17 hanggang 22.

Unang makakalaban ng Beermen ang Shenzen Aviators ng China.

 

Facebook Comments