‘Test Before Boarding’ program ng Cebu Pacific para sa mga pasaherong patungong Hong Kong, pinalawig

74

Pinalawig ng Cebu Pacific hanggang October 31 ang ‘Test Before Boarding’ program nito para sa mga pasaherong patungo ng Hong Kong

Ang kailangan lamang gawin ng mga pasahero ay magtungo sa Philippine Airport Diagnostic Laboratory (PADLAB) sa second floor ng Ninoy Aquino International Airport o NAIA Terminal 3 pre-departure area.


Kailangan nilang magtungo sa PADLAB, apat na oras bago ang kanilang departure.

Ang testing sa Hong Kong-bound passengers ay bukas mula alas-1:30 ng umaga hanggang alas-3:30 ng umaga, araw-araw.

Ang antigen test results ay inilalabas sa loob ng 30 minuto at ang pasahero lamang na may negative results ang papayagan na sumakay ng eroplano.

Facebook Comments