TEST KITS SA AFRICAN SWINE FEVER, IPINAMAHAGI SA ILOCOS SUR

Hatid ng Department of Science and Technology (DOST) sa pamamagitan ng Smart and Sustainable Communities Program (SSCP) ang na-imbentong test kits upang patuloy na malabanan ang dalang banta ng African Swine Fever.
Kaugnay nito, nakapagpamahagi na ang ahensya sa Candon City, Ilocos Sur ng nasa tatlong daan hanggang anim na raang ASFv Nanogold Biosensor test kits na may kakayahang makatukoy ng mga kaugnay na virus sa mga alagang baboy.
Makikita at makukuha agad ang resulta ng naturang test sa loob lamang ng tatlumpung minuto.

Ikinagalak naman ng City Veterinarian Office ang tulong ng naturang mga kagamitan upang agaran din ang magiging hakbang sa pagsugpo pa ng ASF.
Samantala, unang benepisyaryo nito ang Candon City sa buong Ilocos Region na aasahang mapapakinabangan din ng iba pang mga bayan at lungsod sa Rehiyon Uno. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments