Testigo mula sa Tacloban, malaki ang maitutulong sa paglutas sa Christine Dacera case ayon sa NBI

5593

Kinumpirma ng National Bureau of Investigation (NBI) na makakatulong sa pagbibigay ng linaw sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa City Garden Grand Hotel sa Makati ang paglantad ng testigo mula sa Tacloban.

Ayon sa NBI, ang naturang testigo ay naka-check in noon sa Room 2207 at posibleng tuluyan na nga itong gawing state witness kapag na-verify ang kanyang mga testimonya.


Ang naturang indibidwal ay nagpasundo kahapon sa NBI mula sa Tacloban para makapagbigay ng kanyang testimonya.

Una nang nagbigay ng kanilang mga testimonya sa NBI ang 12 persons of interest mula sa Room 2207.

Sa CCTV camera footage mula sa hotel, makikita na ilang ulit na sinundo si Dacera ng kanyang mga kaibigan sa Room 2207 ilang oras bago ito namatay.

Facebook Comments