Testing, contact tracing, bakuna at hindi lockdown ang solusyon ngayon sa pandemya

25

Matapos ilagay sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan ay iginiit ni Senator Imee Marcos na hindi ang kategorya ng lockdown ang mahalaga sa ngayon.

Diin ni Marcos na testing, contact tracing, at ang mahiwagang bakuna ang dapat gawin ngayon sa harap ng patuloy na lumolobong kaso ng COVID-19.


Dagdag pa ni Marcos, alam na natin palpak ang ECQ at halos isang taon na tayong nagdusa.

Paliwanag ni Marcos, ang dapat ay suportahan ang ating health system sa pamamagitan ng pagkuha ng dagdag pang health workers na bibigyan ng makatwirang sweldo at mga benepisyo.

Binanggit pa ni Marcos, dapat ay madaliin din ang science-based at medical solutions.

Facebook Comments