Testing Czar, nanawagan sa mga kilalang personalidad na maging ehemplo sa pagsunod sa health protocols

66

Dapat magsilbing magandang halimbawa ang mga “influencers” sa publiko lalo na sa pagsunod sa health at safety protocols sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Testing Czar Vince Dizon, mahalaga ang papel ng mga kilalang personalidad dahil tinitingala sila ng publiko.


Iginiit pa niya na kahit dumaan sa RT-PCR testing ang mga dumalo sa anumang party, hindi pa rin ito makakatiyak na protektado na sila mula sa COVID-19.

Matatandaang nabatikos ang mga party na isinagawa ng mga TV personalities na sina Raymond Gutierrez at Tim Yap dahil sa paglabag sa health protocols.

Facebook Comments