Thai beauty queen, handang mag-sorry kay Catriona Gray pero sa isang kondisyon!

2062

Nagmatigas si newly-crowned Miss Grand Thailand 2019 na si Coco Arayha Suparurk kaugnay sa isyu ng “body shaming” nito kay Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Umani ng batikos ang Thai beauty queen dahil sa post nito sa Instagram ng meme kung saan ikinumpara ang katawan ni Catriona at ni Miss Grand International 2018 Clara Sose ng Paraguay.


Sa meme, tinawag na ‘fat’ si Catriona habang ‘fit’ naman kay Sose.

Sa isang TV interview, sinabi ni Coco na handa siyang mag-sorry kay Cat ‘mataba’ pero sa isang kundisyon kailangang mag-direct message sa kanya si Cat.

Ibininahagi lamang niya ang post dahil iyon ang katotohanan.

Facebook Comments

From Advertisers