THANKFUL | Cesar Montano, nagpasalamat dahil natapos na ang annulment case

Manila, Philippines – Mas gusto daw ngayon ng aktor na si Cesar Montano na manahimik muna matapos umusad ang annulment nila ng dating asawang si Sunshine Cruz.

Kwento ni Cesar, mas nanaisin na lamang niyang hindi na gaanong magsalita para wala na itong masambit pa na mali kung saan nagpapasalamat din siya dahil natapos na rin ang nasabing annulment case.

Magugunitang noong 2000 ng ikasal ang dalawa at nagkaroon ng tatlong babaeng anak habang taong 2014 ng maghain ang actress ng annulment at napawalang bisa ang kanilang kasal noong Setyembre.


Samantala, nanindigan si Sunshine na hindi kailanman mapapantayan ang mga dinanas nito bago pa man pinaboran ng korte ang kanyang petition for annulment sa kasal nila ni Cesar.

Ito ang naging pahayag ni Sunshine laban sa kolumnistang si Dolly Anne Carvajal na tila nagbigay ng kanyang opinyon sa paghihiwalay nila ni Cesar.

Sinasabing si Dolly Anne ay best friend ni Cesar kaya at nais ni Sunshine na huwag na siyang sumawsaw pa sa isyu.

Facebook Comments