THANKFUL | Jackie Chan, todo pasasalamat matapos na makaligtas mula sa mudslide sa China

814

China – Laking pasasalamat ng action star na si Jackie Chan na nakaligtas ito mula sa mudslide sa China.

Nangyari ito sa gitna ng kanilang taping sa bagong pelikula kung kaya at nakokonsensiya siya dahil tila natakot ang kasamahan niya sa production dahil sa insidente.

Sinabi pa ni Jackie na lesson learned ang nangyari sa kanila dahil dapat daw ay bigyan ng atensyon ang lagay ng panahon para maproteksyunan din ang buong crew.

Thankful din si Jackie sa mga taong tumulong para sila ay mailigtas gamit ang ilang malalaking hook trucks.

Facebook Comments