THANKFUL | Kris Aquino, thankful kay Willie Revillame

449

Manila, Philippines – Thankful ngayon si Kris Aquino sa ginawang pagbisita ni Willie Revillame sa anak nitong si Joshua.

Nabatid kasi na na-ospital si Josh nitong mga nakaraang araw kung saan isa siya sa mga fans ni Kuya Will.

Hindi daw akalain ni Kris na gagawin ito ni Willie sa kaniyang mga anak at malaking bagay daw ito para mabilis na makarekober si Josh.

Binigyan naman ni Kuya Will ng jacket at ng cd ng mga bago nitong kanta si Josh habang ilang oras din siyang nanatili sa bahay ni Kris at kanila nadin pinag-usapan ang pina-plano nilang project na pagsasamahan nilang dalawa.

Facebook Comments