THE BIG ONE | Nationwide Shake Drill, isasagawa sa susunod na linggo

42

Manila, Philippines – Ikinasa sa susunod na linggo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Nationwide Shake Drill pero hindi ito iaanunsiyo.

Ito ay para masukat ang kahandaan ng lahat sakaling mangyari na ang The Big One o ang 7.2 magnitude na lindol.

Ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia, aabisuhan aniya ang publiko kapag sa araw na ng drill.

Aniya, ang mga Telecommunication networks ang magpapadala ng text message para i-broadcast ang drill.

Habang papatunugin naman ang mga warning system sa mga establisyimento, simbahan at eskwelahan maging ang mga himpilan ng radyo.

Tiniyak naman ni Garcia na nakahanda ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno sa araw ng drill.

May mga nakatalaga na rin aniyang container van na loaded ng mga rescue at retrieval equipment.

Facebook Comments