THE BIG ONE | NDRRMC, muling magsasagawa ng nationwide earthquake drill

48

Manila, Philippines – Muling magsasagawa ng nationwide earthquake drill ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Itinakda ang 3rd nationwide simultaneous earthquake drill sa August 26, ganap na alas-2 ng hapon.

Ayon sa NDRRMC, hindi lang mga nasa opisina ang target nilang maki-duck, cover and hold.

Umaasa sila na maging ang mga motorista ay titigil para makiisa sa drill.

Giit ng ahensya, mahalagang malaman ng mga motorista kung paano sila makakaligtas oras na tumama ang The Big One.

Facebook Comments