Thirdy Ravena, ipinaliwanag ang kaniyang pagsali sa Japan Basketball League

Ipinaliwanag ni Thirdy Ravena ang dahilan ng kaniyang pagsali sa Japan Professional Basketball League.

Ayon kay Thirdy, hindi niya inaasahan na isa siya sa magkakaroon ng oportunidad para makalaro sa Japan B. League.

Aniya, hindi na siya makapaghintay para makipagkompetensya laban sa dating mga manlalaro ng National Basketball Association (NBA).


Dagdag pa ni Thirdy, malaking hamon para sa kaniya ang pagsali dahil ang style ng Japanese Basketball ay mas kailangan ng mabilis na paggalaw at pagpasa ng bola dahil mas marami ang three-pointers sa loob ng court.

Matatandaang si Thirdy ay nanalo ng tatlong magkasunod na titulo sa UAAP Men’s Basketball bago pumirma ng kontrata sa nasabing laro.

Facebook Comments