Three-part SONA forum, ikakasa sa Hulyo

39

Manila, Philippines – Puspusan na ang paghahanda ng pamahalaan sa nalalapit na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo – magkakaroon ng three-part SONA forum na gaganapin sa July 1, 10 at 17.


Ang tatlong bahagi ng SONA forum ay magkakahiwalay na gaganapin sa Metro Manila, Cebu City at Davao City.

Layunin nito na maipaabot sa publiko ang mga nagagawa na ng pamahalaan para sa ikauunlad ng bansa.

Hindi rin matiyak ni Panelo kung deretsong babasahin ng Pangulo ang kanyang talumpati lalo na at kilala siyang mahilig mag-adlib.

Pinabulaaanan din ng Palasyo na magkakaroon ng balasahan sa gabinete ng administrasyon.

Facebook Comments

From Advertisers