Tiangge area sa labas ng Starmall Shaw Mandaluyong, nasunog

243

Sumiklab ang sunog sa labas ng Starmall Shaw sa lungsod ng Mandaluyong, kung saan nakalagay ang tiange area, kaninang alas-6:35 ng umaga.

Umabot lang sa unang alarma ang nasabing sunog.


Tumagal ang sunog ng sampung minuto dahil sa mabilis na pagresponde ng bumbero at halos nasagilid lang ng kalsada ang tiangge area ng nasabing mall.

Pasado alas-6:45, idineklara na fire under control ang sunog at pagkalipas lang ng isang minuto ay fire out na ito.

Wala namang nasugatan o nasaktan sa nasabing sunog at inaalam pa rin ang halaga ng sira nadulot ng sunog.

Nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng Mandaluyong Bureau of Fire Protection upang malaman ang dahilan sa pagsiklab ng apoy.



Facebook Comments