Ticket para sa 2D at 3D lotto ticket, mabibili na simula sa Lunes

Simula sa Lunes, August 24, 2020, maaari nang mabili sa piling oras ang 2D at 3D lotto ticket sa mga lugar na nasa General Community Quarantine (GCQ) at Modified GCQ.

Ang ticket para sa alas-2:00 ng hapon na draw ay mabibili mula alas-7:00 ng umaga hanggang alas-1:45 ng hapon.

Mabibili naman ng alas-2:05 hanggang alas-2:45 ng hapon ang ticket para sa pang-alas-5:00 ng hapon na draw.


Para naman sa draw ng alas-9:00 ng gabi, mabibili ang ticket ng alas-5:05 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.

Nananatili namang suspendido ang operasyon ng Small Town Lottery (STL).

Facebook Comments