Ticket para sa Pacquiao-Horn fight, mabenta; Warriors – wagi sa game 2 ng NBA playoffs kontra Utah Jazz

78

Manila, Philippines – Dalawang buwan bago ang bakbakan sa pagitan nina Manny Pacquiao at Jeff Horn, sold-out na agad ang tickets sa boxes at suites.

Base sa nakuhang impormasyon mula sa Australia, mabenta pa rin hanggang ngayon ang tickets para sa laban ng dalawang boksingero.

Ang Pacquiao-Horn fight na gaganapin sa Suncorp Stadium sa July 2 ay inaasahang magiging biggest crowd sa Australia.

Samantala sa NBA, wagi sa game 2 ng western conference series ang Golden State Warriors kontra Utah Jazz sa iskor na 115-104.

Hindi umubra ang naibuslong 33 points ni Gordon Hayward ng Utah Jazz para talunin ang Warriors na pinangunahan naman nina Kevin Durant na nakagawa ng 25 points, Stephen Curry (23 points) at Draymond Green (21 points).

Ayon kay Durant – susi nila sa panalo ang magandang teamwork at depensa sa laro.

DZXL558

Facebook Comments