Tigil-biyahe ng mga trucker, nakaamba dahil sa mataas na presyo ng langis

78

Pinaplano na rin ng ilang trucker na tumigil muna sa pagbiyahe dahil sa mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Ayon kay Inland Hauler and Truckers Association President Teddy Gervacio, sa naging pulong nila ay maraming operator ang nagsabing hihinto muna sila sa pagbiyahe bunsod ng mahal na presyo ng diesel.

Halos wala na rin aniyang kinikita ang mga trucker at kadalasan ay nag-aabono pa sila sa iba’t ibang mga bayarin kabilang na ang operasyon sa mga pantalan.


Sa ngayon din ay napilitan na raw silang maningil ng mas mataas sa mga customer pero hindi pa rin sapat para makasabay sa mahal ng krudo.

Facebook Comments