TIMBOG | 10, huli sa magkakahiwalay na operasyon sa Rizal

Rizal – Arestado ang 10 tao kabilang ang pinaghihinalaaang pinuno ng isang drug group sa magkakasunod na operasyon kontra droga sa Rizal.

Ayon kay Rizal police director Senior Superintendent Lou Evangelista, naaresto sa isang tindahan sa Rodriguez, Rizal ang tatlo hinihinalang drug pusher kasama ang lider umano ng Arsad drug group na si Arsad Dinilogun.

Nasabat sa mga suspek ang 15 sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P200,000.


Sa isang follow-up operation naman, apat pang kasama at katransaksyon ng nasabing grupo ang naaresto sa Taytay, Rizal.

Bukod sa droga, nakuhaan ang mga suspek ng isang baril.

Tatlong iba naman ang naaresto sa dalawa pang buy-bust operation sa Antipolo, Rizal.

Facebook Comments