TIMBOG | 2 gun runner, arestado sa ikinasang entrapment operation sa Capiz

25

Capiz – Arestado ang dalawang gun runner sa ikinasang entrapment operation sa Barangay Poblacion, Tapaz, Capiz.

Nakilala ang mga suspek na sina Edwin Tupaz Jr. at Wilfredo De Pablo.

Sa www.bomboradyo.com/miyembro-ng-media-isa-pa-sugatan-kasabay-sa-isinawang-kilos-protesta-sa-tacloban/> ulat, nakipagtransaksiyon ang dalawang pulis na umakto bilang buyer ng baril kay Tupaz sa halagang P30,000.

Matapos nakumpleto ang transaksyon at nabigay sa suspek ang pera ay dito na sila dinakip ng mga pulis.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang unit ng caliber .45 pistol, apat na mga magazine ng kalibre 45 na baril, P2,000 marked money at dalawang cellphone na ginagamit nila sa transaksyon.

Facebook Comments