TIMBOG | 2 lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Davao

27

Davao City – Arestado ang dalawang lalaki habang nakatakas naman ang isa sa isinagawang drug buy-bust operation ng PDEA Region 11 sa Davao City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Mark” at “Paolo” na sinasabing nasa drug watchlist ng mga otoridad.

Narekober sa mga suspek ang 12 sachet na hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit P24,000.

Ayon sa mga otoridad, itinuturing na high value target ang mga naaresto at kabilang mga ito sa naga-alok at nagbebenta ng shabu sa mga mayayaman.

Hawak na ngayon ng mga otoridad ang mga suspek at kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Facebook Comments