TIMBOG | 6, arestado sa buy-bust operation sa Maynila

7

Manila, Philippines – Arestado ang anim na indibidwal sa buy-bust operation na isinagawa ng Manila Police District Station 11 sa Angalo Street, Binondo, Maynila.

Kinilala ang mga suspect na sina Jesus Gatdula 55-anyos, Marknel Gatdula 33-anyos, Joseph Gatdula 40-anyos, Wilson gatdula 32-anyos, Eloisa Ocampo 38-anyos at Helen Roldan 21 anyos.

Nakuha mula sa pangangalaga ng mga suspect ang 24 na sachet ng hinihinalang shabu at 3 piraso ng isang daang piso na buy-bust money.

Mahaharap ang mga suspect sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments