TIMBOG! | American national na isang pedophile, inaresto

36

Manila, Philippines – Nadakip ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC) ang isang American national na sinasabing pedopilya sa NAIA.

Makikipagkita sana ang suspek na si Antonio Bounab sa 17-anyos na dalagita na naging kaibigan nito sa pamamagitan ng facebook.

Hindi nito alam na kasama pala ng dalagita ang mga pulis na umaktong mga magulang nito kaya at hindi na siya nakapalag pa ng posasan ng mga otoridad.

Nabatid kais na nakipag-ugnayan ang US Homeland Security sa PNP-WCPC hinggil sa iligal na gawain ng suspek kung saan humihingi ito ng maseselang larawan sa mga biktima kapalit ng pera at cellphone saka nito tatakutin na ipapakalat ang mga litrato kapag hindi pumayag sa kaniyang kagustuhan.

Facebook Comments