TIMBOG | Construction worker, arestado sa pagnanakaw sa Taguig

29

Taguig City – Arestado ang isang construction worker matapos ireklamo ng pagnakakaw sa Barangay Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang suspek na si Jimmy Dumanog, 19-anyos na residente sa nabanggit ng lunsod.


Sa imbistigasyon, isang lalaki ang nagsumbong sa mga pulis na nawala ang kanyang motorsiklo na nakaparada sa Lapu-Lapu Street.

Agad nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at dito na nila naharang ang suspek.

Noong una, todo tanggi pa si Dumanog sa akusasyon at sinabing hiniram lang niya ang motor pero sa huli ay umamin din ito sa krimen.

Nabawi mula sa kanya ang tinangay na motorsiklo kung saan nahulihan pa siya sa bulsa ng dalawang pakete ng shabu.

Facebook Comments

From Advertisers