TIMBOG | Dalawang lalaki, arestado sa drug buy-bust operation sa Roxas City

28

Roxas City – Hindi na nakapalag pa ang magkaibigang lalaki matapos ikasa ang drug buy-bust operation sa Burgos Ilawod, Barangay Tanque, Roxas City. Kinilala ang mga nadakip na sina Raymund Lopez at Anthony Francis Reyes. Narekober sa kanila ang tatlong sachets ng shabu, P500.00 na buy-bust money at mga drug paraphernalia. Nabatid na mahigit dalawang buwang isinailalim sa monitoring ng pulisya ang aktibidad ng dalawa bago sila nahuli.

Facebook Comments