TIMBOG | Dalawang lalaki, arestado sa iligal na droga at baril sa Quezon City

Manila, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng iligal na droga at baril sa Quezon City.

Nakilala ang mga suspek na sina Alan Rivero at David Brianes.

Sa ulat, namataan ng mga pulis na may nakasukbit na baril kay Rivero sa Edsa, Barangay Veterans village project 7 habang kasama nito si Brianes.


Nagduda ang mga pulis sa dalawang lalaki malapit sa station ng LRT kaya at sinundan nila ito.

Nang makorner, agad silang kinapkapan kung saan bukod sa kalibre .38 baril na may tatlong bala, nakumpiska din ng mga pulis ang dalawang pakete ng shabu.
Itinanggi naman ng mga suspek na tulak sila ng iligal na droga pero aminadong gumagamit sila nito.

Facebook Comments