TIMBOG! | Dalawang wanted persons ng MPD Station-10, arestado

3

Manila, Philippines – Nasakote ng mga otoridad ang no.9 at 10 Most Wanted Persons ng Manila Police District (MPD)Station-10.

Nakilala ang mga suspek na sina Al Jesus Bergancia at Marvelous Lu na may mga kasong Physical Injuries.

Naaresto sina Bergancia at Lu sa Pandacan habang nakatambay at nagme-meriyenda sa isang tindahan.

Matagal nang nagtatago sa batas ang dalawa kaya nang matunton ang kanilang kinaroroonan, agad na nagsagawa ng operasyon ang mga tauhan ng Intelligence Branch ng MPD Station 10 para hindi na makatakbo ang mga ito.

Facebook Comments