TIMBOG | Estudyante, huli sa pagbebenta ng marijuana

20

Quezon City – Arestado ang isang grade 12 student sa kinasang buy-bust operation sa Barangay Socorro Cubao Quezon City.

Ayon kay Police Senior Inspector Ramon Aquiatan hepe ng SDEU ng QCPD Station 7. Kilala sa alyas ‘Reach Hard’ ang naaresto suspek na supplier ng marijuana sa nabanggit na lugar.

17-anyos ang suspek na nakatira sa Barangay Bagong Silangan Quezon City.

Sa operasyon nakabili ng 1,000 pesos na halaga ng marijuana ang mga otoridad.

Matapos maaresto nakumpiska mula sa pag-iingat ng estudyante ang 1/4 na kilo ng pinaniniwalaang marijuana.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek bago itu-turn over sa DSWD.

Facebook Comments