TIMBOG | Isang lalaki na drug pusher at hitman, arestado sa Cebu

24

Cebu – Arestado ang isang lalaki na pinaniniwalaang drug pusher at hitman sa Barangay Garing, Consolacion, Cebu.

Nakilala ang nadakip na si Ricardo Vallenos Jr.

Nakuha sa suspek ang nasa P70,000 halaga ng shabu at isang .38 na baril.

Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek pero mariin nitong itinatanggi ang mga akusasyon laban sa kaniya.

Facebook Comments