TIMBOG! | Isang re-elected barangay chairman, huli sa iligal na droga sa North Cotabato

83

North Cotabato – Arestado ang isang re-elected barangay captain sa isinagawang search warrant operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-12 sa Purok Narra, Barangay Malasila, Makilala, North Cotabato.

Kinilala ang nahuling suspek na si Melvin Fortajada, 48-anyos.

Narekober sa suspek ang humigit-kumulang tatlong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400 at tatlong .45 na baril.

Ayon sa PDEA-12, nasa kanilang watch list at itinuring nilang high value target ang nahuling barangay chairman na nakakulong na sa kanilang detention facility.

Facebook Comments