TIMBOG! | Isang Taiwanese na tour guide at isang Pinoy, arestado sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Cebu City

27

Cebu City – Kalaboso ang isang Taiwanese na tour guide at isang Pilipino sa ikinasang anti-illegal drug operation sa Cebu City.

Nakakulong na sa Fuente Police Station ang Taiwanese na si Tseng Chien Lung at ang runner nito na si Jimmy Gallardo.

Nakuha mula sa Taiwanese national ang tatlong medium pack ng shabu, pera, at cellphone na ginagamit niya sa kaniyang negosyo.

Nakumpiska naman ang maraming pera mula kay Gallardo na hinihinalang kita nila sa pagbebenta ng shabu.

Mahigit dalawang linggo din minamanmanan ng mga pulis ang mga suspek sa tinutuluyan nilang apartment sa Barangay Sta. Cruz kung saan nagbebenta sila ng shabu sa mga turistang customer ni Tseng.

Facebook Comments