TIMBOG | Lalaki, huli matapos halayin ang isang may kapansanan

Pasig City – Arestado ang isang lalaki matapos ireklamo ng panghahalay sa isang babaeng may kapansanan sa Barangay San Miguel, lungsod ng Pasig.

Kinilala ang suspek na si Francisci Matsika na isang delivery boy.

Sa imbestigayson, pinasok ng suspek sa palikuran ang biktima at doon ginahasa.


Isang saksi naman ang nakakita sa insidente kaya agad naaresto ang suspek.

Sa ngayon ay inihahanda na ang kasong rape laban sa suspek.

Facebook Comments