TIMBOG | Lalaking tulak ng iligal na droga at lider ng robbery hold-up group, arestado sa Taguig

Taguig City – Arestado ang isang lalaki na tulak ng iligal na droga at lider ng isang robbery hold-up group sa Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Suwaib Mamalangkay na residente ng isang tanod ng Barangay Central, Bicutan.

Nasakote ang suspek sa ikinasang buy bust operation kung saan nasa dalawang kilong shabu na tinatayang sampung milyong piso ang halaga ang narekober sa kaniya.


Kasalukuyang nakakulong ang suspek at inaalam na din kung sino ang mga kasabwat nito at maging ang source ng iligal na droga.

Facebook Comments