TIMBOG | Lolo, arestado sa buy-bust operation sa QC

21

Quezon City – Timbog ang 60-anyos na lolo matapos kumagat sa kinasang buy-bust operation sa 20th Avenue kanto ng Bayanin lane Sa Barangay San Roque, Cubao, Quezon City.

Kinilala ang suspek na si Ricardo Laxamana na residente ng West Crame, San Juan City.

Ayon sa QCPD Station 7, nakamotorsiklo pa ang suspek nang makipagkita sa mga operatiba.

Agad siyang inaresto matapos matanggap ang 500 pesos na mark money kung saan nakumpiska mula sa kaniya ang anim na pakete ng shabu.

Facebook Comments