TIMBOG | Most Wanted Person, arestado sa Mandaluyong City

15

Manila, Philippines – Bumagsak sa kamay ng mga eemento ng Special Operation Unit and Station Intelligence Branch ng Mandaluyong Police Station ang tinaguriang o most wanted person of Mandaluyong City.

Naaresto ang suspek dahil sa illegal drugs o paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa Blk. 29, Welfare Ville, Brgy. Addition Hills ang suspek na nakilalang si Ariel Mazurca 37 anyos residente ng Blk. 29, Welfare Ville, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Base sa imbestigasyon, napag alaman na ang operatiba ng Special Operation Unit and Station Intelligence Branch ng Mandaluyong Police ay nagsagawa ng operation sa isang most wanted persons sa Blk. 29, Welfare Ville, Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Narekober sa suspek ang isang plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Nakakulong na sa Mandaluyong Police Station ang naturang most wanted person matapos na masakote ng mga otoridad.

Facebook Comments