TIMBOG | Pulis na umano ay sangkot sa gun running activities at pinagkukunan ng armas ng mga lawless elements, arestado

Manila, Philippines – Nadakip ng pinagsanib na pwersa ng PNP Counter Intelligence Task Force at PNP Intelligence Group ang isang pulis na sangkot sa gun running activities sa kanilang ikinasang entrapment operation sa 3rd Ave, Bagong Lipunan ng Crame, Quezon City kanina.

Sa report na pinadala ni PNP Spokesperson Police Chief Supt Benigno Durana pasado alas-2:00 ng hapon kanina ng isagawa ang operasyon laban sa suspek.

Kinilala itong si PO2 Jaid Awal Pingli, tubong Tinambakan Lamitan Basilan na nakatalaga sa Station 1, Pasay City Police Station.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya ang naarestong pulis ay kamag anak ng Pingli Brothers, ang notorious Kidnap for ransom Group sa Zamboanga City at Criminal Gang.

Base rin sa pagiimbestiga ng PNP si PO2 Jaid Pingli ay pinaniniwalaang pinagkukunan ng mga armas ng mga lawless elements matapos na mamonitor na ito ay sangkot sa gun running activities.

Nakuha sa pagiingat ng suspek ang isang M4 cal 5.56 Armalite rifle with scope with 1 na mayroong magazine at loaded ng 7 live ammos, isang short plastic magazine at isang Tanfoglio 9mm pistol na may magazine loaded ng 10 live ammos.

Bukod kay PO2 Pingli naaresto rin ang kasama nito na si Jose Dalayre.

Facebook Comments