TIMBOG | Senior citizen, nakuhaan ng ilegal na droga sa Taguig City

44

Taguig City – Arestado ang isang senior citizen matapos makuhaan ng iligal na droga sa Barangay Ususan sa Taguig City.

Nakilala ang suspek na si Francisco Octavo, 67-anyos at residente sa lugar.

Nagsasagawa noon ng anti-criminality operation ang mga operatiba ng Taguig City PCP 6 nang matiyempuhan si Octavo na tila mayroong kahina-hinalang kilos.

Nilapitan ng mga otoridad ang matanda at doon nadiskubre na mayroon itong itinatagong dalawang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Nakapiit na ang suspek sa Taguig City Police Station at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments