TIMBOG | Tatlo, arestado sa iligal na droga sa Maynila

Manila, Philippines – Sa kulungan ang bagsak ng tatlong tao na isinasangkot sa iligal na droga sa Maria Claria Street, Sampaloc,Maynila.

Kinilala ang mga suspek na sina Melchor Mendoza, Nadia Montenegro at Reymar Tia.

Ayon sa MPD Station 4, nakatanggap sila ng tawag mula sa concerned citizen na may nagaganap na drug session sa nasabing lugar.


Agad na natungo ang mga pulis at nasakote ang mga suspek kung saan nakuha sa kanila ang mga foil at lighter na gamit nila sa pagbatak ng bawal na gamot.

Facebook Comments