TIMBOG | Top 1 Most Wanted Person ng MPD Station 8, arestado

20

Manila, Philippines – Naaresto na ng Manila Police District ang Top 1 Most Wanted Person ng Sta. Mesa Police Station (PS8), dahil sa kasong Frustrated Murder, dalawang taon na ang nakakalipas.

Sa bisa ng warrant of arrest na ibinaba ni Judge Merianthe Pacita Zuraek, ng Manila RTC Branch 51, na aresto ang 21 anyos na suspect na si Ryan Apilado, na residente rin sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon, matapos ang pagtatago ng ng suspect isang impormante ang nag sabi sa mga pulis na namataan ang ito sa isang basketball court sa Aciete Extension, Nagtahan, Sta Mesa, Manila. Agad na rumisponde ang mga pulis at dito na naaresto ang suspect.

Kasalukuyan na itong naka detain ngayon sa pulisya, at una na ring nadala sa Ospital ng Sampaloc para sa medical examination.

Facebook Comments