TIMBOG | Top 6 Most Wanted Person sa Las Piñas City, arestado

3

Las Piñas City – Arestado ang isang lalaki na itinuturing na top 6 most wanted person sa Las Piñas City.

Sa bisa ng warrant of arrest at subpoena na ibinaba ni Hon. Judge Lynnette May Deloria- Manarang ng Las Piñas Metropolitan Trial Court Branch 124, naaresto ang suspek na si John Paul Canlas.

Nasakote ang suspek sa kaniyang bahay sa Sandigan Compound, Barangay Pulang Lupa Dos, Las Piñas City.

Dinala muna ang suspek sa Las Piñas CITT Health Center para sa kaniyang medical bago ito ikulong dahil sa kasong attempted homicide.

Facebook Comments