Timor Leste, nasungkit na ang una nilang medalya sa Sea Games

Natapos din ang matagal na paghihintay at nakamit ng Timor Leste ang una nitong medalya sa 2019 Sea Games.

Ito’ sa pamamagitan ng kanilang Boxer na si Jose Barretto Quintas Da Silva.

Si Da Silva ay natalo sa pambato ng Thailand, 1-4 sa Semifinals ng Men’s Flyweight 52kg Category.


Sa kabila nito, mag-uuwi si Da Silva ng Bronze Medal.

Matatandaang nag-trending sa Philippine Twitter ang Timor Leste para ikampanya ang naturang bansa na makakuha ng medalya sa Biennial Meet.

Facebook Comments