Hats off billang taimtim na pagbibigay ang mga medical personnels ng nga ospital sa Dagupan City sa pagpanaw ng tunaguriang “Dr. Superman” na si Dr. Clarito T. Reyes dahil hanggang sa huling paglilingkod, sumalang ito sa organ donation.
Kilala sa kanyang husay at galing sa larangan ng medisina, naging takbuhan at pag-asa ng marami si Dr. Reyes, dahilan ng pagbuhos ng pagdadalamhati mula sa mga kakilala, katrabaho, kaanak at maging ang mga matagal nang pasyente.
Hindi na ikinagulat ng marami ang pagiging superman nito dahil sa kanyang pambihirang kabutihang-loob, pinili nitong ihandog ang kanyang mga organ sa pamamagitan ng multiple organ donation.
Matapos ang operasyon, isinagawa ng mga medical teams ang Honor Walk bilang pagpupugay sa kanyang kabayanihan.
Sa kanyang huling pagkakataon nanatili itong naglilingkod at nagpapatuloy sa kanyang misyon na makapagligtas ng buhay, makapagbigay ng pag-asa, at makapagpagaling ng kapwa. Ang kanyang donasyon ay magbubukas ng panibagong pagkakataon para sa maraming pasyente at kanilang mga pamilya.
Bagaman nagdulot ng matinding kalungkutan sa mga pasyente at kapwa medical practioner ang kanyang pagpanaw, mananatili ang kanyang legasiya bilang mapagkalinga at mahusay na doktor sa lahat. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








