Tinaguriang "most wanted person" sa Taytay, Rizal, arestado

Manila, Philippines – Arestado sa ikinasang manhunt operation ng pulisya ang tinaguriang “most wanted person” sa Taytay, Rizal.

Kinilala ang nadakip na si Marvin Santo Tomas, 29-anyos, na sangkot sa serye ng pagtangay at pagbaklas ng mga motorsiklo at tricycle para maibenta.

Aminado naman ang suspek sa ibinibintang pero sinabi nito na naudyukan lamang siya sa gawain 4 na taon na ang nakararaan dahil sa kawalan ng trabaho.


Narekober ng pulisya sa Antipolo ang binaklas nang motor at sidecar na tinangay ng suspek habang pinaghahanap pa ng pulisya ang tatlo pang kasamahan nito.
DZXL558

Facebook Comments