TINAMBANGAN | Agent ng PDEA, patay matapos pagbabarilin sa Cebu

Carcar City – Patay ang isang ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos tambangan sa Carcar City sa Cebu.

Nakilala ang biktima na si Von Rian Tecson, na pinagbabaril sa loob ng kaniyang sasakyan sa Barangay Perrelos.

Nakaligtas naman ang driver ni Tecson matapos itong makatalon palabas ng sasakyan.


Lumalabas sa imbestigasyon na ang suspek ay nakasakay ng motorsiklo nang gawin ang pamamaril.

Matatandaan na nito lang nakaraang July 27, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang PDEA agent na si Earl Rallos, habang sakay ng kaniyang sasakyan sa Barangay Capitol Site sa Cebu City.

Facebook Comments