TINAMBANGAN | Dating konsehal sa Mandaue City, patay sa pamamaril

Mandaue City – Hindi pagbayad ng utang ang nakikitang motibo ng mga pulis sa pagpatay sa isang dating konsehal at kapatid nito sa Mandaue City, Cebu.

Kinilala ang nasawing biktima na si dating Konsehal Wendell Alilin, 39-anyos at kapatid na si Bryan, 35-anyos.

Sa ulat, sinundo ni Bryan ang kaniyang kuya Wendell sa sabungan at nang pauwi na ang mga ito ay dito na sila tinadtad ng bala ng mga suspek.


Lumalabas sa imbestigasyon na mayroong isang katransaksyon ang dating konsehal sa negosyo pero tila hindi sila nagkakasundo.

Nilinaw naman ng pulsiya na walang kinalaman sa iligal na droga ang pagkakapatay sa mga biktima dahil hindi ito kasali sa drug watchlist.

Facebook Comments