TINAMBANGAN | Isang pari, patay matapos pagbabarilin sa Nueva Ecija

Nueva Ecija – Dead on arrival sa ospital ang isang pari matapos pagbabarilin sa bayan ng Zaragosa, Nueva Ecija.

Sa ulat, kasalulukuyang nagsasagawa ng misa ang biktimang si Father Richmond Nilo nang dumating ang dalawang hindi pa kilalang suspek.

Agad na pinagbabaril ang pari saka sila mabilis na tumakas kung saan hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktima sa tama ng bala sa katawan.


Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad para matukoy ang pagkakailanlan ng mga suspek at ang motibo ng mga ito sa insidente.

Facebook Comments